Sa paggunita ng Undas 2024, nagpamalas ng kahandaan ang PPA PMO Agusan, sa pamamagitan ng Port Services at Port Police Division, kasama ang mga nasasakupang pantalan ng Nasipit, Masao, at Butuan, para sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2024 na naglalayong tiyakin ang maayos at ligtas na paglalakbay ng mga pasahero.
Sa pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensiya, kabilang ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Maritime Industry Authority (MARINA), Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), Concord Arrastre and Stevedoring Corp. (CASCOR), at mga lokal na pamahalaan (LGU), naglagay ang PMO Agusan ng mga PPA Help Desks sa mga pantalan upang mabilis na matugunan ang mga katanungan at pangangailangan ng mga pasahero.
Bilang karagdagang hakbang sa seguridad, nag-deploy ang PCG at PDEA ng mga K9 units upang magbigay ng dagdag na proteksyon at masigurong ligtas ang mga pantalan laban sa mga banta tulad ng ipinagbabawal na droga at iba pang mapanganib na bagay.
Ang mga hakbang na ito ay naglalayong masiguro ang komportable at ligtas na paglalakbay habang pinapanatili ang seguridad at kaayusan sa mga terminal.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports












