Tumugon ang Port Management Office ng Agusan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga, sa pangangailangan ng mga stranded na pasahero sa Passenger Terminal Building (PTB) ng Nasipit Port matapos makansela ang biyahe ng 2GO patungong Maynila dahil sa Bagyong “Opong” ngayong ika-25 ng Setyembre taong 2025.
Umabot sa 155 pasahero ang nabigyan ng tig-iisang Ready-To-Eat Food (RTEF) pack na naglalaman ng masustansyang pagkain.
Pinayuhan din ng PPA ang mga pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kani-kanilang shipping line para sa karagdagang impormasyon.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports













