Bilang bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), nagsagawa ang PMO Agusan ng seminar tungkol sa โ€œBawal Bastos Lawโ€ o Safe Spaces Act (RA 11313) at Gender Fair Language (GFL), na pinangunahan ng PMO Gender and Development Focal Point System (GADFPS) ngayong araw, Disyembre 3, 2024, sa PMO Multipurpose Hall. Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga kawani hinggil sa mga batas at masiguro ang ligtas at inklusibong serbisyo para sa mga gumagamit ng pantalan.

Dinaluhan ang seminar ng 40 frontline personnel ng PMO, kabilang ang mga Contract of Service (COS), Security Guards, at Screeners na direktang nakikisalamuha sa publiko. Binigyang-diin sa seminar ang responsibilidad ng mga kawani na tiyakin na ang mga port users, pasahero, at kapwa empleyado ay malaya mula sa diskriminasyon at karahasan, at may access sa ligtas na serbisyo.

Kasama sa tinalakay ang mga pangunahing probisyon ng RA 11313 o ang Safe Spaces Act, na naglalayong protektahan ang bawat isa mula sa anumang uri ng harassment sa mga pampublikong lugar. Tinutukoy ng batas ang mga hakbang upang maiwasan ang verbal, non-verbal, at physical harassment, at naglalayong lumikha ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat. Bahagi rin ng talakayan ang Gender Fair Language, na naglalayong itaguyod ang paggamit ng wika na patas at walang kinikilingang kasarian bilang pundasyon ng inklusibong komunikasyon. Mahalaga ito upang itaguyod ang gender sensitivity sa mga transaksyon at operasyon ng PPA, pati na rin ang pagpapaloob ng gender-fair language sa lahat ng uri ng komunikasyon.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Port Manager Mildred J. Padilla na ang lahat ay nakasalalay sa respeto. Ipinahayag niya na ang pagpapakita ng respeto sa bawat isaโ€”sa pamamagitan ng wika at mga gawaโ€”ay pundasyon ng makatao, inklusibo, at mataas na kalidad na serbisyo publiko.

Patuloy na isinusulong ng PMO Agusan ang mga programang naglalayong magbigay ng ligtas, makatao, at inklusibong kapaligiran, kasabay ng misyon nitong maghatid ng serbisyong may malasakit at dignidad para sa lahat.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports