Matagumpay na isinagawa ang Mandatory Waste Segregation Briefing noong Nobyembre 29, 2024, sa PMO Multipurpose Hall ng Nasipit Port. Pinangunahan ito ng Port Services Division na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga utility worker hinggil sa tamang paghihiwalay ng basura. Binigyang-diin ng inisyatibo ang kahalagahan ng tamang pamamahala ng basura sa mga lugar ng trabaho, lalo na sa mga pasilidad na may mataas na produksyon ng basura.
Tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng waste segregation, kabilang ang wastong pag-uuri ng basura, tamang paraan ng pagtatapon, at ang mga negatibong epekto ng maling pamamahala ng basura sa kalikasan. Ipinaliwanag ni Ms. Gaye Lauress C. Jamero, Acting Environmental Specialist ng PMO Agusan, ang mga kategorya ng basura. Kabilang dito ang mga biodegradable o nabubulok tulad ng tirang pagkain, basang papel, at balat ng prutas; ang mga non-biodegradable o hindi nabubulok na basura na hindi na maaaring magamit muli; at ang mga recyclables tulad ng plastik na bote, papel, karton, at iba pa.
Binigyang pansin din ang tamang paggamit ng Materials Recovery Facility (MRF) at ang mahigpit na pagbabawal sa open burning o pagsusunog ng basura sa loob ng pantalan. Ayon kay Ms. Jamero, ang wastong pagsunod sa mga hakbang na ito ay makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan at sa paglikha ng isang mas malinis at mas napapanatiling kapaligiran sa Nasipit Port.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports