Nakilahok ang PMO Agusan sa opisyal na pagbubukas ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ngayong araw, Nobyembre 25, 2024. Ang aktibidad ay ginanap sa Butuan City School of Arts and Trades (BCSAT) at may temang โVAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras.โ
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang motorcade mula sa Butuan City Sports Complex patungo sa BCSAT. Nilahukan ito ng mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan, mga miyembro ng civil society organizations, at ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan.
Layon ng kampanya na paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas tulad ng Anti-Violence Against Women and Children Act (RA 9262) at Safe Spaces Act (RA 11313). Hinimok din ang mga lider ng komunidad na paghusayin ang kanilang mga mekanismo sa pagtugon sa mga kaso ng karahasan.
Ang aktibidad na ito ay nagsisilbing paalala na ang pagtatapos ng karahasan laban sa kababaihan ay nangangailangan ng patuloy na pagkilos, pagkakaisa, at paniniwala sa karapatan ng bawat isa na mamuhay nang ligtas at walang takot sa karahasan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports