Matagumpay na nakiisa ang PPA PMO Agusan sa pagdiriwang ng International Menโ€™s Day sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na idinaos ngayong Nobyembre 19, 2024, sa POB Multipurpose Hall ng Nasipit Port.

Isa sa mga tampok na aktibidad ay ang Sexual Harassment Seminar na pinangunahan ni Atty. Neil B. Dagle, Chairperson ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE). Dumalo rito ang mga miyembro ng Committee on Decorum and Investigation (CODI), Gender and Development Focal Point System (GADFPS), at mga kalalakihan mula sa PMO.

Tinalakay sa seminar ang RA 11313 o Safe Spaces Act, na naglalayong itaas ang kamalayan ukol sa ibaโ€™t ibang uri ng harassment at ang mga karapatan at responsibilidad ng bawat indibidwal upang maiwasan at maiulat ang mga insidente ng sexual harassment. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng respeto at propesyonalismo, hindi lamang sa lugar ng trabaho kundi pati na rin sa ibaโ€™t ibang aspeto ng pang-araw-araw na buhay. Sa isinagawang open forum, aktibong nakilahok ang mga kalahok at nagbahagi ng kanilang opinyon at karanasan.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagbigay ang PMO ng libreng body massage, manicure/pedicure, at gupit bilang paraan ng pagbibigay-pahinga at pag-aalaga sa mga kawani, lalo na sa mga kalalakihan.

Noong Nobyembre 18, 2024, sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng Menโ€™s Reproductive Health Awareness Seminar na naglalayong bigyang-pansin ang kalusugan at kapakanan ng kalalakihan.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PMO Agusan na suportahan ang mga programang tumutugon sa pangangailangan at responsibilidad ng kalalakihan sa lipunan, pamilya, at trabaho. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, layunin nitong lumikha ng mas ligtas at mas inklusibong pamayanan.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

Tiktok: @ph_ports