Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong at pagpapahalaga sa kalusugan, matagumpay na idinaos ng PMO Agusan, sa pangunguna ng Administrative Division, ang Dementia/Alzheimerโ€™s Disease Awareness Seminar na dinaluhan ng 54 na empleyado ngayong araw, Nobyembre 19, 2024, sa POB Multipurpose Hall ng Nasipit Port.

Ang panauhing tagapagsalita na si Dr. Mercedes B. Atupan ay nagbahagi ng kaalaman tungkol sa mga sanhi ng dementia, mga palatandaan nito, mga posibleng komplikasyon, at ang tamang paraan upang maagapan, maiwasan, at maalagaan ang mga taong may Dementia at Alzheimerโ€™s. Tinalakay rin ang mga paraan ng pagbibigay-suporta sa kanilang mga pamilya.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng PMO CARES (Positive Mindset and Outlook: Cultivating Awareness, Resilience, and Emotional Support), isang inisyatiba na naglalayong magpatuloy sa mga hakbang tungo sa pagpapanatili ng kalusugan at pangkalahatang kaunlaran ng bawat empleyado ng PMO Agusan.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#PMOCARES

“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

Tiktok: @ph_ports