Matagumpay na idinaos ang Leadership Program: Building Collaborative, Inclusive Working Relationships Training sa PMO Agusan, na pormal na sinimulan noong ika-22 ng Oktubre at nagtapos ngayong araw, ika-24 ng Oktubre 2024, sa PMO Multipurpose Hall.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang PMO Agusan ng seminar na dinaluhan ng mga Manager at Supervisor mula sa ibaโ€™t ibang Port Management Offices sa Mindanao, at mula sa PMO Negros Oriental/Siquijor. Itinampok ang mahahalagang konsepto tulad ng aktibong pakikinig, mga estratehiya sa team-building, pagsasadula, kahalagahan ng tiwala, komunikasyon, kooperasyon, at pagbabahagi ng pananaw sa pagitan ng mga kalahok, na may layuning mapagtibay ang ugnayan sa bawat PMO.

Layon ng training na patuloy na paunlarin ang kaalaman at kasanayan ng mga empleyado sa pagharap sa mga hamon at pangangailangan ng araw-araw na operasyon ng pantalan. Sa pagtatapos ng programa ngayong araw, inaasahang mas magiging bukas at epektibo ang PPA sa pagpapatibay ng pagtutulungan, tungo sa mas mahusay na serbisyo at mas produktibong samahan.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

YouTube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports