Nakilahok ang mga kawani ng PMO Agusan – Terminal Management Office ng Masao, kasama ang mga tauhan ng Concord Arrastre & Stevedoring Corp. (CASCOR), sa isinagawang bloodletting activity ngayong araw, ika-18 ng Oktubre 2024, sa Brgy. Lumbocan Health Center.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Brgy. Lumbocan Health Office, sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross-Agusan del Norte Chapter, kung saan boluntaryong nag-donate ng dugo ang mga kawani ng TMO Masao at CASCOR, kasama ang iba pang mga boluntaryo mula sa ibaโt ibang sektor. Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng karagdagang suplay ng dugo para sa mga nangangailangan, lalo na sa mga panahon ng pangangailangang medikal.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, ipinapakita ng mga kawani ang kanilang dedikasyon sa pananagutang panlipunan, na nakatuon sa pag-unlad ng lokal na komunidad, partikular na sa mga proyekto ukol sa pangkalahatang kalusugan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
YouTube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
TikTok: @ph_ports












