Matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang isang Port Educational Tour at Symposium ngayong araw, Setyembre 23, 2024, sa Nasipit Port bilang bahagi ng pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo). Apatnapung (40) estudyante mula sa Pre-Baccalaureate Maritime Program ng Saint Michael College of Caraga (SMCC) ang lumahok sa programa.

Sinimulan ang tour sa isang paglilibot sa pantalan, kung saan nasaksihan ng mga estudyante ang proseso ng inspeksyon sa Integrated Port Access Control Center (IPACC). Kasama sa kanilang mga binisita ang mga pangunahing pasilidad gaya ng Port Police Division (PPD) at Port Integrated Clearing Office (PICO). Nakita rin nila ang mga operasyon ng kargamento at iba pang pasilidad ng pantalan. Nagtapos ang paglilibot sa PMO Multipurpose Hall, kung saan idinaos ang isang forum na pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Port Services at Port Police Division, Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), at Philippine Coast Guard (PCG) Nasipit.

Tinalakay sa symposium ang mga terminolohiyang pandagat, proseso ng pagdating at pag-alis ng barko, operasyon sa paghawak ng kargamento, at mga alituntunin sa kaligtasan at seguridad sa pantalan. Sa pamamagitan ng mga presentasyon at talakayang interaktibo, pinalalim ng mga estudyante ang kanilang kaalaman tungkol sa industriya ng pandagat.

Nagtapos ang programa sa pamamahagi ng mga sertipiko sa mga tagapagsalita at sa SMCC bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon, kasabay ng panawagan sa mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at paglinang sa larangan ng maritime.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

YouTube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports