Sa pagtatapos ng isang linggong pagdiriwang ng ika-47 anibersaryo ng PMO Agusan, makabuluhang isinagawa ang seminar tungkol sa Stress Management at Spiritual Enhancement ngayong araw, ika-2 ng Agosto, 2024. Dinaluhan ng 50 empleyado ang naturang aktibidad na ginanap sa PMO Multipurpose Hall. Ang seminar na ito ay iniayon sa mga layunin ng PMO CARES na isulong ang pangkalahatang kalusugan at mental wellness ng mga kawani ng PMO.

Ang resource speaker na si Ms. Ruth E. Sanchez, PhD, Dean ng College of Humanities and Social Sciences ng Caraga State University ng Butuan City, ay nagbahagi ng iba’t ibang uri ng stress at ang mga posibleng sanhi nito. Nagbigay rin siya ng mga simpleng pamamaraan tulad ng deep breathing exercises, mindfulness meditation, at ang kahalagahan ng balanseng pamumuhay. Bukod dito, nagbigay siya ng mga aral ukol sa pagpapalalim ng pananampalataya.

Patuloy na maglalaan ang PPA at PMO Agusan ng mga hakbang upang maisakatuparan ang adhikain ng PMO CARES na maipagpatuloy ang pagsulong at pag-alaga ng mental health at wellness ng mga empleyado.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

YouTube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports