Sa layuning mapalawak ang kamalayan at pagkakapantay-pantay ng lahat anuman ang kasarian, matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang Gender Sensitivity Training na ginanap sa Multipurpose Hall ng Nasipit Port, ngayong araw, ika-31 ng Hulyo, 2024.

Ibinahagi ni Mr. Ace J. Monforte, Certified GAD Resource Person, na kasalukuyang COA Resident Auditor ng PMO Agusan, ang kanyang kaalaman sa naturang paksa. Bukod sa mga talakayan, nagkaroon din ng mga group activities at open forum kung saan nagbahagi ang mga kalahok na binubuo ng mga regular at COS personnel ng PMO ng kanilang mga karanasan at suhestiyon kung paano maisasabuhay ang gender sensitivity.

Ang pagsasanay na ito ay nakatuon sa mga konkretong hakbang upang maisakatuparan ng PMO ang adhikaing magkaroon ng isang organisasyong gender sensitive at responsive. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng isang linggong selebrasyon ng ika-47 anibersaryo ng PMO Agusan.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

YouTube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports