Matagumpay na nagtapos ang dalawang araw na Gender and Development (GAD) Agenda Training na ginanap sa POB Conference Room ng Port of Nasipit mula Hulyo 29 hanggang Hulyo 30, 2024.

Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng isang linggong selebrasyon ng ika-47 anibersaryo ng PMO Agusan. Pinangunahan ni Mr. Edson B. Alijo ng CHR-Caraga ang pagsasanay, kabilang ang pagsasagawa ng workshop kung saan lumikha ang mga miyembro ng GAD Focal Point System (GADFPS) at kawani ng PMO ng Vision, Mission, Goals, at Strategic Plan na nakatuon sa GAD. Ang mga planong ito ay magiging gabay sa mga susunod na hakbang upang mapalawig ang mga proyekto at aktibidad na may kinalaman sa GAD.

Lubos na pinasasalamatan ng PMO Agusan ang PPA Head Office sa suporta, na naging daan upang maisakatuparan ang aktibidad na ito. Ang GAD Agenda Training ng PMO ay isang hakbang patungo sa isang mas inklusibo at patas na lipunan, na nagpapakita ng dedikasyon ng ahensya sa pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan tungkol sa gender equality at women empowerment.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

Tiktok: @ph_ports