Nagsagawa ang Port Management Office (PMO) Agusan ng port educational tour para sa 47 mag-aaral mula sa Bayugan City District 3 Child Development Centers sa pantalan ng Nasipit nitong ika-21 ng Pebrero 2026. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral na pre-school hinggil sa operasyon ng pantalan at sa mahalagang papel nito sa komunidad at lokal na ekonomiya, alinsunod sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Curriculum.
Isinagawa ang guided tour sa tatlong batch upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga kalahok habang iniikot ang mga pasilidad ng pantalan. Sa pangunguna ng Port Services Division (PSD) at Port Police Division (PPD), kasama ang kanilang mga guro at magulang o tagapag-alaga, nasaksihan ng mga mag-aaral ang aktuwal na pagdaong at pag-alis ng mga sasakyang-dagat, gayundin ang proseso ng paghawak at pagproseso ng mga kargamento.
Naging katuwang ng PMO Agusan ang Globalport Agusan Terminal, Inc. (GATI) sa pagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa mga tungkulin ng pantalan, ibaβt ibang bahagi ng barko, at mga transaksiyong isinasagawa sa loob ng pasilidad. Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, patuloy na isinusulong ng PMO Agusan ang pagbibigay ng makabuluhan at interaktibong karanasan sa pagkatuto ng mga bata sa labas ng silid-aralan, habang pinatitibay ang kamalayan ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng pantalan sa pag-unlad ng rehiyon.
βπΊπ ππππππππππππ π·πππππππ, πππππππ πππ πππππ.β
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports
















