Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng digital transformation at secure online transactions, inimbitahan ng PPA PMO Agusan ang DICT – Caraga upang magsagawa ng orientation at usersโ€™ training sa Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) noong Pebrero 4, 2026 sa PMO Multi-Purpose Hall, Port of Nasipit.

Nilahukan ng 30 kawani mula sa ibaโ€™t ibang yunit ang aktibidad, na naglalayong higit pang mapahusay ang kaalaman sa ligtas at episyenteng paghahanda, pagpirma, at pagpapalabas ng mga opisyal na dokumento gamit ang digital at online na plataporma, kasabay ng pagpapatibay ng cybersecurity at integridad ng mga komunikasyon ng ahensya.

Tinalakay sa pagsasanay ang kahalagahan ng digital certificates at electronic signatures bilang mga pangunahing mekanismo sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan, pagiging tunay, at legal na bisa ng mga dokumentong pinoproseso at nilalagdaan online sa loob ng pamahalaan, bilang suporta sa e-governance at pambansang digitalization agenda.

Kasama sa programa ang hands-on training kung saan aktuwal na itinuro ang tamang proseso ng pag-aapply at paggamit ng digital signature. Ang aktibidad ay patunay ng patuloy na commitment ng PMO Agusan na ipatupad at isulong ang makabagong teknolohiya upang masiguro ang ligtas, maaasahan, at modernong serbisyo-publiko.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports