Matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang isang Comprehensive Health Awareness Lecture na may temang โ€œObesity and Liver Disease: Protecting Yourself from Hepatitis and Liver Cancerโ€ noong Pebrero 2, 2026 sa PMO Multi-Purpose Hall, Port of Nasipit. Dinaluhan ang aktibidad ng 30 empleyado ng tanggapan.

Pinangunahan ang lecture ng resource speaker na si Dr. John Marlon Daguipa, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa obesity at ibaโ€™t ibang sakit sa atay. Tinalakay niya ang mga pangunahing sanhi, sintomas, at panganib ng hepatitis at liver cancer, gayundin ang mga hakbang sa pag-iwas sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, aktibong pamumuhay, at regular na pagpapatingin sa doktor.

Nagkaroon din ng bukรกs at interaktibong talakayan, kung saan malayang nakapagtanong ang mga kalahok hinggil sa mga praktikal na paraan ng pag-iwas sa obesity at mga sakit sa atay, pati na rin sa wastong pangangalaga sa kalusugan ng atay. Agarang sinagot ng resource speaker ang mga katanungan, na higit pang nagpalalim sa kaalaman at kamalayan ng mga dumalo.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng PMO CARES, na naglalayong patuloy na palakasin ang adbokasiya ng tanggapan sa kalusugan, preventive care, at holistic well-being ng mga empleyado ng PMO Agusan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports