Aktibong lumahok ang PPA PMO Agusan sa pagdiriwang ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) na ginanap mula Agosto hanggang Setyembre 2025, sa pangunguna ng Civil Service Commission (CSC) Caraga. Naging host naman ang PMO Agusan sa larong Badminton kung saan nakamit nito ang 1st runner-up sa mixed doubles at 2nd runner-up sa womenโs doubles, habang itinanghal namang kampeon ang kinatawan ng PMO sa Table Tennis menโs doubles.
Noong Setyembre 19, itinampok ang โLingkod Bayani Fiestaโ sa Provincial Covered Court, Capitol, Butuan City bilang culminating activity sa month-long celebration. Sa naturang pagtitipon, ginawaran ng Certificate of Appreciation ang PMO Agusan bilang isa sa mga partner agencies sa โPasidungog ug Pasalamat,โ na personal na tinanggap ni Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo. Pinarangalan din si Mr. Lemuel Ian T. Moralda, focal person ng PMO para sa PCSA Sportsfest, bilang pagkilala sa kanyang mahalagang papel sa matagumpay na pagdaraos ng Badminton sa PMO.
Sa kabuuan, nagbigay kulay at sigla ang partisipasyon ng PMO Agusan sa 125th PCSA, hindi lamang sa pamamagitan ng kanilang panalo sa sports, kundi maging sa pagpapakita ng diwa ng bayanihan at malasakit ng mga lingkod-bayan sa rehiyon.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports













