Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Maritime Week (NMW) 2025, nakiisa ang PMO Agusan sa International Coastal Clean-Up na inorganisa ng DENR-CENRO Nasipit noong Setyembre 19 sa baybayin ng Barangay Gosoon, Carmen, Agusan del Norte.
Dumalo sa aktibidad ang ibaโt ibang sektor kabilang ang mga kawani ng PMO Agusan at Advance Forces Security and Investigation Services Inc. (AFSISI), Carmen Municipal Fire Station, PNP, Philippine Air Force, Environmental Management Bureau (EMB), Philippine Coast Guard, CSC-Caraga, gayundin ang mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan ng Carmen. Nakalikom ang PMO ng anim (6) na sako o katumbas na 64 kilo ng non-biodegradable na basura mula sa dalampasigan.
Ang taunang coastal clean-up, na may temang โClean Seas Against Climate Crisisโ, ay ipinagdiriwang alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470 at tumutugon sa UN Ocean Decade Challenge 5 na naglalayong magbukas ng solusyon sa pagbabago ng klima batay sa yaman ng karagatan.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok, muling pinagtibay ng PMO-Agusan ang pangako nitong maging katuwang sa pangangalaga ng kalikasan at pagtataguyod ng malinis na karagatan para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports



















