Pormal na tinanggap ng Philippine Ports Authority (PPA) – PMO Agusan ang 1,000 Ready-to-Eat Food (RTEF) packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga noong Agosto 26, 2025. Pinangunahan ni Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo, kasama ang mga pangunahing opisyal ng PMO Agusan, ang pagtanggap na isinagawa sa Port Integrated Clearance Office (PICO) ng Nasipit Port.
Ang nasabing RTEF packs ay nakalaan para sa mga stranded passengers at iba pang apektadong biyahero, lalo na tuwing may aberya, sakuna, o matinding sama ng panahon. Layunin nitong agad na matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pasaherong hindi makabiyahe sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas at masustansyang pagkain.
Binigyang-diin ni Atty. Lamigo na ang pakikipag-ugnayan ng PPA at DSWD ay patunay ng mas matibay na pagtutulungan ng dalawang ahensya para sa kapakanan ng publiko. Dagdag pa niya, nakahanda ang PMO Agusan na palawakin pa ang ganitong mga inisyatiba upang masiguro ang ligtas, maayos, at makataong serbisyo sa lahat ng manlalakbay.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports