Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Agosto 18, 2025, sa Port of Nasipit ang Logistics Capacity Assessment (LCA) na pinangunahan ng United Nationsโ€“World Food Programme (UN-WFP), katuwang ang National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga.

Layon ng aktibidad na magsagawa ng masusing pagsusuri sa kapasidad ng pantalan sa larangan ng transportasyon at lohistika, na mahalaga sa paghahatid ng relief goods at iba pang tulong sa panahon ng kalamidad at emergency. Dumalo rito ang mga pangunahing opisyal mula sa Port Services Division, Engineering Services Division, at Port Police Division ng PMO Agusan.

Kasabay nito, sinuri rin ng grupo ang storage area sa loob ng pantalan para sa mga Ready-to-Eat Food (RTEF) packs na nakatakdang i-deliver sa loob ng linggong ito.

Ipinahayag ni Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo ang suporta ng pamunuan ng PMO Agusan sa nasabing gawain at tiniyak ang kahandaan ng Pantalan ng Nasipit na makipagtulungan upang mapalakas ang koordinasyon at operasyon para sa humanitarian response sa rehiyon.

Ayon sa DSWD Caraga, ang magiging resulta ng assessment ay magsisilbing batayan para sa mga ahensya ng pamahalaan at humanitarian partners sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga hakbang para sa emergency operations sa Caraga Region.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports