Matagumpay na isinagawa ng Port Management Office (PMO) ng Agusan ang iba’t ibang aktibidad ng Culminating Program bilang pagdiriwang ng 2025 Local Maritime Week na may temang Our Ocean, Our Obligation, Our Opportunity: Strengthening the Maritime Industry for National Development,” sa South Atrium ng Robinsons Butuan nitong ika-15 ng Agosto 2025.
Sa pangunguna ng Port Services Division at katuwang ang iba’t ibang ahensya at institusyon, ang Maritime Week ay idinaos mula ika-11 hanggang ika-15 ng Agosto. Kabilang sa mga tampok na gawain ang Port Community Sportfest, mga patimpalak sa pag-awit at pagsayaw, at ang Mr. and Ms. Seafarers Pageant kung saan itinampok ang mga malikhaing eco-inspired costumes na yari sa recycled materials bilang pagpapakita ng kahalagahan ng inobasyon at pangangalaga sa kalikasan.
Sa culminating program, ibinahagi ang mga mensahe mula sa mga katuwang na ahensya, ipinagkaloob ang parangal sa mga nagwagi, at isinagawa ang simbolikong turnover ng susunod na hosting ng selebrasyon sa MARINA Caraga.
Higit pa sa mga aktibidad, ang 2025 Local Maritime Week ay nagsilbing pagpupugay sa mga Pilipinong marino bilang mga haligi ng pandaigdigang kalakalan at pambansang kaunlaran, at nagpatibay ng panata tungo sa mas matatag at mas maunlad na industriya ng maritima.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports