Inilunsad ng Port Management Office (PMO) Agusan ang lingguhang serye ng aktibidad para sa National Maritime Week 2025 nitong ika-11 ng Agosto 2025, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng sektor maritimo sa pagpapaunlad ng bansa.

Nagsimula ang unang araw sa pamamagitan ng Seafarer’s Mass sa Passenger Terminal Building, sinundan ng Seafarer’s Pampering Session sa PMO Multi-Purpose Hall na nag-alok ng libreng grooming at spa services para sa mga marino at stakeholder ng pantalan. Sa hapon naman, pinasinayaan ang Port Community Sportsfest na tampok ang dance fitness session at mga paligsahan sa basketball, volleyball, table tennis, at darts.

Layunin ng mga aktibidad na pasiglahin ang kalusugan, pagkakaisa, at sportsmanship sa hanay ng maritime schools, ahensya ng gobyerno, shipping lines, at mga empleyado ng PPA at terminal operators.

Magtatagal ang selebrasyon hanggang Agosto 15 at inaasahang magtatampok pa ng iba’t ibang programa upang palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng karagatan bilang pinagkukunan ng kabuhayan, kaunlaran, at pagkakaisa.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports