Nagsagawa ng orientation tungkol sa mga produkto at serbisyo ng Pag-IBIG Fund ang Port Management Office (PMO) Agusan para sa mga kawani na ginanap sa PMO Multipurpose Hall.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga empleyado sa mga programang iniaalok ng Pag-IBIG, gaya ng Regular at MP2 Savings, housing at multipurpose loans, Loyalty Card Plus, at iba pang benepisyo ng pagiging miyembro, upang mahikayat ang aktibong pakikilahok at mapalakas ang kanilang kahandaan sa aspetong pinansyal.

Pinangunahan ng Administrative Division ng PMO Agusan ang orientation, na dinaluhan naman ng mga kinatawan mula sa Pag-IBIG Fund Butuan Branch bilang mga resource speakers. Nagbigay sila ng komprehensibong presentasyon ukol sa proseso ng pagrerehistro, aplikasyon ng mga loan, at mga paraan upang mapakinabangan nang husto ang mga programang iniaalok ng ahensya.

Sinundan ito ng open forum na nagbigay-daan sa mga empleyado na makapagtanong at mas malinawan pa sa mga serbisyo ng Pag-IBIG.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

Tiktok: @ph_ports