Sumabak sa limang-araw na masinsinang pagsasanay ang mga Port Police Officers ng PMO Agusan, kasama ang Safety Officer ng Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), sa Integrated Planning Incident Command System (IPICS) Level II Training na isinagawa noong Hulyo 7โ11, 2025 sa Multi-Purpose Evacuation Building, Barangay 4, Nasipit, Agusan del Norte.
Pinangunahan ang aktibidad ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Nasipit at ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan. Layunin ng pagsasanay na paigtingin ang koordinasyon, komunikasyon, at kakayahan sa pagpaplano ng mga first responders at opisyal ng ibaโt ibang sektor sa harap ng mga sakuna.
Isinailalim ang mga kalahok sa simulation exercises at scenario-based drills na nakatuon sa pagtugon sa mga kalamidad gaya ng bagyo, lindol, at mass casualty incidents. Sa bawat senaryo, ginampanan nila ang mga mahahalagang tungkulin sa ilalim ng Incident Command System (ICS), kabilang ang Incident Commander, Planning Chief, at Logistics Officer upang makabuo ng koordinado at epektibong Incident Action Plan.
Ang aktibong partisipasyon ng PMO Agusan sa ganitong pagsasanay ay patunay ng pagpapahalaga sa disaster preparedness bilang isang kritikal na bahagi ng operasyon ng mga pantalanโlalo na sa panahon ng kalamidad, kung kailan mahalaga ang papel ng mga ito sa transportasyon, relief operations, at rescue coordination.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports