Kasabay sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso at alinsunod sa PPA MC 01-2024 – PPA Mental Health Program, makabuluhang inilunsad ng PPA PMO Agusan sa pangunguna ng Administrative Division ang hakbang tungo sa pagpapalaganap ng mental health and wellness na pinamagatang ๐ฃ๐ ๐ข ๐๐๐ฅ๐๐ฆ o ๐ฃositive ๐ indset and ๐ขutlook: ๐ultivating ๐wareness, ๐ฅesilience, and ๐motional ๐ฆupport, ngayong araw, ika-5 ng Pebrero, 2024, sa PMO Multipurpose Hall.
Ang paglunsad ng nasabing programa ay ginanap pagkatapos ng flag raising ceremony sa pamamagitan ng pagsasayaw na aktibong sinundan ng lahat ng kawani ng PMO. Ipinagpatuloy ang programa sa PMO Multipurpose Hall kung saan ipinaliwanag ni PM Mildred J. Padilla ang kahalagahan ng mental na kalusugan at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na buhay, kakayahan sa trabaho, at well-being. Kasama din sa programa ang pagkuha ng BP, timbang, at random blood sugar ng mga empleyado na nagsisilbing health indicators at maaaring maging susi sa maagang pagtuklas ng mga potensyal na isyu sa kalusugan.
Bukod dito, inilatag din ang schedule of activities para sa calendar year 2024 na binubuo ng (1) Health Awareness/Education Initiatives, (2) Physical Fitness and Health Check-up, (3) Socialization and Recreational Activities, (4) Mental Health Support, and (5) Spiritual Enhancement.
Sa pagtutok sa aspeto ng mental health and wellness, layon ng PMO CARES na palaganapin ang positibong pananaw at pag-asa, palakasin ang kakayahan sa pagharap sa mga pagsubok, at magbigay ng emosyonal na suporta sa bawat miyembro ng PMO Agusan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa isa’t isa, inaasahan na mababawasan ang stress, mapapabuti ang kahalagahan ng bawat isa, at magiging mas masigla ang samahan ng mga empleyado ng PMO Agusan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
Twitter: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports