Matagumpay na naisagawa sa PMO Agusan noong Marso 17-21, 2025 ang compliance audit ng Office for Transportation Security (OTS) alinsunod sa mga itinakdang pamantayan at regulasyon ng International Ship and Port Facility Security (ISPS) Code at ng National Security Plan for the Safety of the Transport and Maritime Infrastructure (NSPSTMI).

Pinangunahan nina OTS Team Leader Paul Bryan Dinglasa at Auditor Michael Mancenido ang audit, na sumuri sa mga pangunahing pantalan ng PMO Agusan – ang Port of Nasipit at Port of Masao. Sinuri ng audit team ang iba’t ibang aspeto ng seguridad, tulad ng mga mekanismo sa pag-access, kahandaan sa emergency, pagsasanay ng mga tauhan, at pagsasagawa ng security drills bilang bahagi ng mga kinakailangan para sa recertification ng mga pantalan sa ilalim ng ISPS. Layunin nitong tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng mga itinakdang hakbang sa seguridad batay sa Port Facility Security Plan (PFSP), pati na rin ang pagpapalakas ng seguridad laban sa banta ng terorismo at iba pang panganib. Bagamat may ilang minor na obserbasyon, ang mga ito ay pawang procedural lamang at hindi nagdulot ng seryosong banta sa seguridad.

Pinuri ng audit team ang PMO sa dedikasyon nito sa pagpapanatili ng mataas na antas ng seguridad. Binigyang-diin nila ang maagap na pagsasanay ng mga tauhan, epektibong pagpapatupad ng security drills, at mahigpit na pagsunod sa mga internasyonal na pamantayan. Kinikilala rin ang patuloy na pagsisikap ng PMO Agusan sa pagpapalakas ng imprastruktura upang mapanatili ang mas ligtas at episyenteng operasyon sa pantalan.

Sa kabuuan, kinumpirma ng OTS Compliance Audit Team ang matatag at epektibong pagpapatupad ng mga pamantayan sa seguridad ng PMO Agusan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports