Mainit na tinanggap ng PMO Agusan ang mga mag-aaral mula sa Child Development Center ng Bayugan City sa kanilang educational tour ngayong araw, Marso 20, 2025, sa Nasipit Port. Layunin ng pagbisita na bigyan ang mga bata ng kaalaman tungkol sa operasyon ng pantalan, mga hakbang sa kaligtasan, at pangangalaga sa kalikasan.
Sinimulan ang tour sa isang presentasyon ni PSD Manager Lemuel Ian T. Moralda tungkol sa mga pangunahing operasyon ng pantalan. Sinundan ito ng talakayan hinggil sa mga inisyatiba ng PMO para sa port greening at ang mahahalagang proseso sa seguridad, kabilang ang pagdaan sa Integrated Port Access Control Center (IPACC), kung saan ginagamit ang Baggage X-ray Machine (BXM) at Walkthrough Metal Detector (WMD), at ang kahalagahan ng pagsusuot ng angkop na Personal Protective Equipment (PPE) sa loob ng pantalan na ibinahagi ng mga kawani mula sa Port Services at Port Police Division.
Mas naging kapanapanabik ang tour nang inilibot ng opisyal ng barko ang mga mag-aaral sa Cokaliong M/V Filipinas Agusan del Norte. Ipinakita sa kanila ang iba’t ibang bahagi ng barko, partikular ang bridge area, pati na rin ang mga kagamitang ginagamit sa navigation. Kasama rin sa aktibidad ang paglilibot sa loob ng pantalan sa pakikipagtulungan ng Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI).
Nagbigay ang educational tour ng mahalagang kaalaman sa mga estudyante tungkol sa industriya ng maritime at nagbukas ng kanilang interes sa mga posibleng karera sa larangang ito sa hinaharap.
PPA
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports





















