Bilang bahagi ng pagsunod sa COMELEC Resolution No. 11067 at upang tiyakin ang kaayusan sa panahon ng halalan, naglagay ng mga โ€œGun Banโ€ tarpaulin ang Port Police Division sa mga pantalan sa Nasipit, Butuan, at Masao.

Ayon sa nasabing resolusyon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdala at paggamit ng mga baril, armas, nakamamatay na sandata, pampasabog, at kontroladong kemikal sa loob ng itinakdang election period. Layunin ng patakaran na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa sa pamamagitan ng masusing pagbabantay sa mga pampublikong lugar tulad ng mga pantalan, na maaaring magdulot ng panganib sa panahon ng eleksyon.

Ang hakbang na ito ng Port Police Division ay naglalayon na mapalaganap ang tamang impormasyon ukol sa mga ipinagbabawal na armas at regulasyon hinggil sa seguridad tuwing halalan. Ang mga tarpaulin ay nagsisilbing paalala at gabay para sa publiko, lalo na sa mga madalas na nasa mga pantalan, upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga aktibidad at maiwasan ang anumang insidente ng karahasan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports