Matagumpay na isinagawa ng Philippine Navy ang isang Shipboard Tour ngayong araw, Enero 18, 2025, sa pantalan ng Nasipit, para sa 90 trainees ng Basic Citizen Military Course (BCMC). Bahagi ito ng pagsasanay para sa mga bagong recruits ng Philippine Navy Reserve Unit upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kahusayan sa operasyon ng hukbong dagat.
Ang aktibidad ay isinagawa sa dalawang barko, ang BRP Hilario Ruiz (PC394) at BRP Alberto Navarrete (PC378), na naglalayong ipakilala sa mga trainees ang operasyon ng mga barko at ang kanilang mahalagang papel sa pambansang depensa. Kasama sa mga programa ang Shipboard Familiarization Tour, Basic Civil Military Course Class 05 at 06, at Rifle Drill. Ang buong aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa nina LCDR James B. Dinglasan Jr. PN at CDR Ruden A. Linezo PN, na tumiyak sa maayos na daloy at kaligtasan ng programa.
Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Philippine Navy sa Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI) sa pamumuno ni General Manager Roewe E. Endaya, PPA PMO Agusan Station Commander PPSUPT Samuel G. Razon, at mga operations personnel ng PMO. Ang kanilang aktibong partisipasyon ay nakatulong sa pagbibigay ng kinakailangang suporta sa operasyon, pagpapanatili ng seguridad, at pagtitiyak ng maayos na daloy ng mga gawain sa buong aktibidad.
Bukod sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga trainees sa operasyon ng Philippine Navy, ang aktibidad ay nagbigay-diin din sa mahalagang papel ng koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa pantalan. Ang matagumpay na Shipboard Tour ay nagsilbing mahalagang bahagi ng pagsasanay sa mga bagong miyembro ng Philippine Navy Reserve Unit at nagbigay inspirasyon sa kanilang patuloy na paglilingkod para sa bayan.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports

















