Upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga kawani ng PPA PMO Agusan, isinagawa ngayong araw, Enero 10, 2025, ang konsultasyon at pagpapaliwanag sa resulta ng Annual Medical and Physical Examination (AMPE) na ginampanan ni Dr. Ritchie Lou Palma, MD, ng Proficiency Healthcare Diagnostic Center.
Matatandaang noong Disyembre 27, 2024, sa pangunguna ng Administrative Division, naisagawa ang ibaโt ibang pagsusuri tulad ng profiling, chest X-ray, ECG, urinalysis, blood chemistry, at iba pa. Layunin nito na masuri ang pisikal at medikal na kalagayan ng lahat ng kawani ng PMO Agusan. Ang bawat empleyado ay tumanggap ng detalyadong paliwanag hinggil sa kanilang mga resulta upang matulungan silang mapanatili ang mabuting kalusugan. Batay sa mga resulta ng pagsusuri, nagbigay si Dr. Palma ng angkop na rekomendasyon at reseta upang matugunan ang mga natukoy na kondisyon.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na malasakit ng PPA sa kapakanan ng mga tauhan. Layunin din nitong mapanatili ang malusog, produktibo, at handang mga kawani upang masiguro ang maayos na serbisyo para sa mga kliyente, port users, at stakeholders.
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports




















