Dumating kamakailan sa Nasipit Port ang 71 yunit ng ambulansya sakay ng M/V Seaborne Cargo 7. Agad na nagbigay ng tulong ang mga tauhan ng Port Police at Port Services Division (PSD) sa pagbaba at pagdiskarga ng mga yunit mula sa container van, gayundin sa pagpaparada ng mga ambulansya sa C1 South Area.
Nakipag-ugnayan naman ang Port Services Division sa Globalport Agusan Terminal, Inc. (GATI) upang matiyak ang maayos na daloy ng operasyon at wastong paglalaan ng espasyo para sa mga sasakyan. Ang mga ambulansya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nakatakdang dalhin sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, at Davao upang ipamahagi sa kani-kanilang benepisyaryong Local Government Units (LGUs).
Samantala, personal na bumisita si Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo upang suriin ang aktibidad at tiyaking nasusunod ang mga protocol sa kaligtasan at operasyon sa buong proseso ng pagbaba ng kargamento.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports
















