Bilang bahagi ng paghahanda para sa OPLAN BYAHENG AYOS: Eleksyon 2025, isinagawa ng Port Police Division (PPD) ng PMO Agusan ang ikalawang Quarter Security Breach Test (Entry of Port User with Prohibited Item) noong Mayo 7, 2025.

Idinaos ang drill sa Port Integrated Access Control Center (IPACC) ng Nasipit port upang masuri ang kahandaan at kahusayan ng mga security personnel sa pagpapatupad ng mga itinakdang alituntunin sa seguridad, alinsunod sa Port Facility Security Plan (PFSP), PPA Memorandum Circular No. 05-2021 – Revised Guidelines in the Implementation of the Port Users Security Screening System, at International Ship and Port Facility Security (ISPS) Code.

Sa isinagawang senaryo, dalawang port user ang nagtangkang makapasok sa loob ng pantalan sa pamamagitan ng IPACCโ€”ang isa ay may dalang knuckle knife, habang ang isa naman ay may brass knuckle. Itinago nila ang mga ipinagbabawal na kagamitan sa kanilang kasuotan upang subukin ang bisa ng umiiral na screening procedures.

Layunin ng pagsasanay na higit pang paigtingin ang seguridad at matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga pasilidad ng pantalan sa panahon ng halalan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports