Matagumpay na naisagawa ang taunang inspeksyon sa seguridad sa mga pantalan ng Nasipit, Butuan, at Masao, na pinangunahan ng mga Port Police Officers mula sa PPA Head Office noong Disyembre 9 hanggang Disyembre 11, 2024. Layunin ng aktibidad na suriin ang pagsunod ng mga security service provider ng PPA PMO Agusanโ€”ang Advance Forces Security & Investigation Services, Inc. (AFSISI) at Commander Security Services, Inc. (CSSI)โ€”sa kanilang mga kontrata at pagtupad ng security personnel sa kanilang mga tungkulin.

Tinutukan ng inspeksyon ang kwalipikasyon ng mga Security Guards (SGs) at Baggage Security Scanning Machine Operators (BSSMOs) pati na rin ang pagkakaroon ng mga kinakailangang kagamitang pang-seguridad ng nasabing mga security agencies.

Bahagi ng aktibidad ang patuloy na inisyatibo ng PPA upang tiyakin ang mataas na antas ng kahusayan at kahandaan sa seguridad ng mga pantalan. Inaasahan na ang resulta ng inspeksyon ay magbibigay ng mahalagang impormasyon na makakatulong sa pagpapabuti ng operasyon ng mga security agency at sa pagpapalakas ng pangkalahatang kaligtasan sa mga pantalan.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports