Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng kampanya para sa pagpapalakas ng kalusugan ng mga lingkod-bayan, isinagawa ng PhilHealth Caraga ang PhilHealth YAKAP at GAMOT Seminar noong Oktubre 24, 2025 sa PMO Multipurpose Hall ng PPA PMO Agusan.

Layunin ng seminar na maipaliwanag sa mga empleyado ng PMO Agusan ang kahalagahan ng YAKAP o โ€œYaman ng Kalusugan Program,โ€ isang pinahusay na primary care package na nagtataguyod ng preventive healthcare o pag-iwas sa sakit bago ito lumala. Ibinahagi rin ang mga benepisyo ng GAMOT Package, na nagbibigay ng access sa 75 essential outpatient medicines para sa mga miyembro at kanilang mga dependents.

Ipinaliwanag ni Ms. Reggie Durano, YAKAP Focal Person ng PhilHealth Caraga, na sa ilalim ng YAKAP Program, maaaring magpa-check-up nang regular, sumailalim sa mga laboratory tests, at makatanggap ng libreng gamot ang mga miyembro sa mga accredited clinics at botika. Aniya, โ€œAng YAKAP ay hindi lamang tumutulong sa oras ng pagkakasakit, kundi layunin nitong mapanatiling malusog ang bawat Pilipino araw-araw.โ€

Matapos ang seminar, nagsagawa rin ng first patient encounter ang mga kinatawan mula sa Catamina Clinic, kung saan ilang empleyado ng PMO Agusan ang unang nakinabang sa serbisyong handog ng PhilHealth YAKAP. Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PMO Agusan na mapalawak ang kaalaman ng mga empleyado hinggil sa mga programang pangkalusugan, alinsunod sa layunin ng Universal Health Care Law na matiyak ang akses ng bawat Pilipino sa dekalidad at abot-kayang serbisyong medikal.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports