Matagumpay na ipinagdiwang ng PMO Agusan ang pagtatapos ng National Womenโs Month Celebration (NWMC) noong Marso 28, 2025, sa pamamagitan ng ibaโt ibang programang naglalayong kilalanin, suportahan, at bigyang-halaga ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan.
Isa sa mga tampok na aktibidad ng pagdiriwang ay ang GAD Fun Run na isinagawa sa TMO Butuan at nilahukan ng mga empleyado ng ahensya. Sinundan ito ng panunumpa ng mga bagong opisyal ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE)โisang grupong nagsusulong ng proteksyon, respeto, at pagkakapantay-pantay para sa kababaihan. Layunin nitong itaguyod ang gender sensitivity sa mga kalalakihan at labanan ang anumang uri ng karahasan laban sa kababaihan.
Matapos ang masiglang takbuhan, nagkaroon din ng Pamper Day sa PMO Multipurpose Hall, kung saan maaaring magpa-manicure, pedicure, at masahe ang mga kababaihang kawani bilang isang paraan ng pagpapahinga at pagpapahalaga sa kanilang pangangalaga sa sarili. Sinundan ito ng culmination program na pinangunahan ni PM Mildred J. Padilla. Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan hindi lamang bilang mga tagapagtaguyod ng pamilya kundi bilang mga lider, propesyonal, at katuwang sa pag-unlad ng bansa. Hinimok din niya ang bawat isa na patuloy na suportahan at itaguyod ang adbokasiya para sa gender equality at empowerment ng kababaihan sa kanilang personal at propesyonal na buhay.
Bilang bahagi ng programa, ipinamahagi ang mga token sa mga benepisyaryo ng PMO Womenโs Bazaar, partikular sa mga kawani ng PMO na may anak na may espesyal na pangangailangan. Isa sa mga benepisyaryo, si Ms. Jissel Joyce L. Totanes, ay nagbigay-inspirasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman at personal na karanasan tungkol sa Autism Spectrum Disorder (ASD). Ang kanyang mensahe ay nagbigay-liwanag sa kahalagahan ng tamang pang-unawa, suporta, at inklusibong oportunidad para sa mga indibidwal na may ASD.
Ang mga inisyatibong ito ng PMO Agusan ay hindi lamang bahagi ng isang pagdiriwang kundi isang patunay ng patuloy na pagsisikap na itaguyod ang kakayahan, kontribusyon, at karapatan ng kababaihanโisang hakbang patungo sa isang mas inklusibo at pantay na lipunan.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports