Matagumpay na naisagawa ang pagsasanay sa pagkakarpintero noong Pebrero 3–7, 2025, na naglalayong palawakin ang kasanayan at kaalaman ng 21 regular at Contract of Service (COS) na empleyado ng PMO Agusan.

Pinangunahan ng Administrative Division ang pakikipag-ugnayan sa Northern Mindanao School of Fisheries (NMSF), isang institusyong akreditado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), upang maisakatuparan ang naturang pagsasanay.

Si Mr. Nestor E. Makiling Jr. ang nagsilbing tagapagsanay at nagturo ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pagkakarpintero, kabilang ang tamang paggamit ng mga pangunahing kasangkapan sa kahoy, pagsukat at pagguhit ng disenyo, pagputol at paghubog ng kahoy, paggawa ng matibay na koneksyon o joinery, at wastong paggamit ng protective equipment upang matiyak ang kaligtasan sa trabaho.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PMO Agusan na paunlarin ang kakayahan ng mga empleyado sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-upskill. Layunin nitong ihanda ang mga kawani para sa mas maraming oportunidad at mas mataas na antas ng kahusayan sa kanilang larangan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports