Matagumpay na naidaos ang fluvial procession para kay Saint Michael the Archangel sa Nasipit Port ngayong araw, Setyembre 27, 2024, sa pangunguna ng Port Services at Port Police Division ng PPA PMO Agusan.

Sinimulan ang aktibidad sa isang Banal na Misa sa Passenger Terminal Building (PTB) ng pantalan, na sinundan ng fluvial procession na dinaluhan ng mga opisyal mula sa LGU Nasipit, mga parokyano, PCG, Philippine Navy, MDRRMO Nasipit, at iba pang ahensya. Nakiisa rin ang mga debotong sakay ng mga bangkang pinalamutian ng ibaโ€™t ibang dekorasyon, habang nag-aalay ng mga panalangin at mga awit ng pananampalataya at pasasalamat.

Ang naturang selebrasyon ay bahagi ng kapistahan ni Saint Michael the Archangel, ang patron ng Bayan ng Nasipit.

Patuloy na nakikiisa ang PMO Agusan sa ganitong mga selebrasyon, bilang bahagi ng adbokasiya sa pagpapanatili ng magandang ugnayan sa komunidad at pagpapalakas ng diwa ng bayanihan.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

YouTube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports