Bilang bahagi ng maagang paggunita ng International Menโs Day, at sa pangunguna ng PMO Gender and Development Focal Point System (GADFPS), nagsagawa ang PMO Agusan ng Menโs Reproductive Health Awareness Seminar ngayong araw, Nobyembre 18, 2024, sa Multipurpose Hall ng Nasipit port.
Pinangunahan ni Dr. Rodrigo S. Hipol III, isang kilalang urologist, ang seminar kung saan tinalakay niya ang mga posibleng sanhi ng sakit sa prostate na karaniwang nararanasan ng mga kalalakihan habang tumatanda. Napag-usapan din ang iba pang mga sakit na madalas na binabalewala ng kalalakihan, pati na ang mga pagsusuri na maaaring magamit upang maagang matukoy at magamot ang mga ito.
Nagkaroon din ng open forum na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na magtanong. Sa forum na ito, naipaliwanag ang mga maling paniniwala, at nalinawan ang ilan sa mga pangkaraniwang isyu na may kaugnayan sa kalusugan ng kalalakihan.
Layunin ng seminar na magbigay ng kaalaman tungkol sa mga isyung pangkalusugan ng kalalakihan, kabilang na ang mga dapat iwasan at bawasan. Pinagtutuunan din nito ang pagtataguyod ng bukas na talakayan ukol sa reproductive health, at hinihikayat ang mga kalalakihan na bigyang-prayoridad ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular na konsultasyon at malusog na pamumuhay.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports