Matagumpay at makabuluhang nagtapos ngayong araw, Agosto 9 ang dalawang araw na Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG) training na ginanap sa POB Conference Room ng Port of Nasipit.

Sa panguguna ng PMO Agusan Gender and Development Focal Point System (GADFPS) at ibang piling kawani ng PMO, nagkaroon ng malalim at masusing talakayan at workshop kung papaano gamitin at intindihin ang iba’t ibang elemento ng HGDG Checklist sa patnubay ni Mr. Oliver O. Salino ng CHR-Caraga bilang Resource Speaker.

Ang HGDG Seminar ng PMO ay isa sa mga serye ng training ng PPA sa ilalim ng Learning and Development (L&D) program na naglalayong palawigin ang kaalaman ng mga kawani ukol sa Gender and Development at kahalagan ng pagkaroon ng GAD perspective sa pagsagawa ng bawat tungkulin at sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

Tiktok: @ph_ports