Sa pagdiriwang ng World Oceans Day, matagumpay na naisagawa ng PPA PMO Agusan ang coastal clean-up sa C1 Dike sa pantalan ng Nasipit nitong ika-8 ng Hunyo 2024. Ang aktibidad ay nilahukan ng mga kawani mula sa Port Services at Port Police Division, na nagtipon upang mangolekta ng maraming basura tulad ng plastik, bote, at iba pang kalat.

Ang coastal clean-up na ito ay bahagi ng pandaigdigang selebrasyon na naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng ating mga karagatan at ang pangangailangan ng pangangalaga sa mga ito.

Layunin ng PMO Agusan na mapalaganap ang kamalayan sa publiko tungkol sa responsableng pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran. Ang tagumpay ng coastal clean-up ay patunay ng dedikasyon ng PPA PMO Agusan sa pangangalaga ng kalikasan at pagsuporta sa komunidad.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KapihanSaBagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports