Pinarangalan ang PPA Port Management Office (PMO) of Agusan ng DSWD Field Office Caraga sa ginanap na Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan (PaNata Ko sa Bayan) Awards 2025 ngayong araw, Marso 25, sa Pavilion, Watergate, Butuan City.

Iginawad ang โ€˜Salamat Poโ€™ Award bilang pagkilala sa hindi matatawarang suporta ng PMO Agusan sa mga programa at serbisyo ng DSWD. Malaki ang ginagampanang papel ng PMO sa pagtataguyod ng kaligtasan at kapakanan ng mga manlalakbay, lalo na ng mga bata at iba pang sektor, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa pantalan, pagpapanatili ng maayos at ligtas na pasilidad, at pagbibigay ng suporta sa makataong inisyatiba ng ahensya.

Buong pagpapahalagang tinanggap ni Port Manager Mildred J. Padilla ang parangal sa ngalan ng masisipag at dedikadong kawani ng PMO Agusan, na patuloy na nagsisikap upang matiyak ang ligtas, maayos, at maaasahang serbisyo para sa publiko.

Higit pa sa isang pagkilala, itinuturing ng PMO Agusan ang parangal na ito bilang isang mahalagang tagumpay na sumasalamin sa sama-samang pagsisikap tungo sa mas ligtas at mas suportadong kapaligiran para sa lahat. Patuloy din nitong pinalalakas ang malasakit sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa mamamayan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports