Masayang ipinagdiwang ng PMO Agusan ang International Womenโs Day ngayong araw, ika-8 ng Marso 2024 sa PMO Multipurpose Hall habang tatlong PMO personnel naman ay dumalo sa Caraga Womenโs Summit na ginanap sa Balanghai Hotel, Butuan City.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang Misa ng pasasalamat para sa tagumpay na nakamit ng PMO nitong nakaraang Northern Mindanao Sports Fest. Naging makahulugan din ang pagdiriwang sa paglunsad ng PMO “Bazaar for a Cause” na naglalayong makatulong sa mga napiling benepisyaryo na mga kasamahang kababaihan na kasalukuyang nakikipaglaban sa breast cancer. Layon din ng nasabing bazaar na masuportahan ang mga empleyado na makapagbenta ng kani-kanilang produkto gaya ng damit, kagamitang pambahay, pagkain, at iba pa.
Ang programa ay nagtapos sa simpleng potluck salo-salo na naging daan upang mas mapatatag ang samahan ng bawat empleyado ng PMO Agusan at maipagdiwang ang kontribusyon ng mga kababaihan sa pagkamit ng mga layunin ng ahensya.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
Twitter: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports