Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan, matagumpay na naisagawa ng PMO Agusan Port Services Division (PSD), katuwang ang Globalport Agusan Terminal, Inc. (GATI), ang isang port clean-up drive ngayong araw, Marso 31, sa C1 ng Nasipit Port.
Bukod sa PPA at GATI, lumahok din ang mga kinatawan mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Talisay, Richland United Solutions Inc. (RUSI), Advance Security Agency, at Philippine Coast Guard (PCG) upang magkaisa sa iisang layuninโang pangangalaga sa ekosistemang pandagat. Sa kanilang sama-samang pagsisikap, nakolekta ang 34 kilo ng residual plastic at 16 kilo ng biodegradable waste, na muling nagbigay-diin sa pangangailangang bawasan ang polusyon sa ating karagatan.
Ang clean-up drive na ito ay patunay ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan, pribadong sektor, at lokal na komunidad sa pagsusulong ng mas malinis at mas ligtas na kapaligiran. Isa itong mahalagang hakbang sa paglaban sa polusyon ng plastik, pagbawas ng epekto ng climate change, at pagtataguyod ng isang mas maayos na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports