Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Policy ng Philippine Ports Authority (PPA), nagsagawa kamakailan ng mandatory drug testing ang Port Management Office (PMO) Agusan at mga yunit ng seguridad, alinsunod sa PPA Memorandum Circular No. 04-2016 o ang โInstitutionalization of a Drug-Free Workplace Policy in the Philippine Ports Authority.โ
Nitong Agosto, matagumpay na isinagawa ng Advance Forces Security and Investigation Services Inc. (AFSISI) at Commander Security Services Inc. (CSSI) ang drug testing para sa mga security guard ng PMO. Pinagtibay ng inisyatibang ito ang kanilang dedikasyon sa propesyonalismo at integridad, gayundin ang suporta para sa isang drug-free na komunidad sa pantalan.
Kasunod nito, nagsagawa rin ng malawakang drug testing ang PMO Agusan para sa mga Contract of Service (COS) at regular na kawani sa Port Operations Building (POB) Conference Room, Nasipit. Pinangasiwaan ito ng mga tauhan mula sa Port Police Division head office katuwang ang mga PMO Port Police Officers. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo ang patuloy na pagtutok ng ahensya sa pagkakaroon ng malusog na workforce at sa pagpapanatili ng isang produktibo at ligtas na kapaligiran sa trabaho.
Naging tampok din ng programa ang symposium ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga sa PMO Multipurpose Hall, kung saan tinalakay ang masasamang epekto ng ilegal na droga at ang mahalagang papel ng edukasyon at pakikilahok ng komunidad sa pag-iwas sa paggamit at pag-abuso ng ipinagbabawal na gamot.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports