Ginawaran ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga ng Plaque of Appreciation si Port Manager Mildred J. Padilla ng PPA PMO Agusan ngayong Marso 26, 2025, bilang pagkilala sa kanyang mahalagang kontribusyon at dedikasyon sa pagiging miyembro ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC). Ang parangal ay iginawad sa CY2025 First Quarter Caraga RDRRMC Full Council Meeting na ginanap sa Almont Inland Resort, Butuan City.
Binigyang-diin ni Acting RDRRMC Chairperson at OCD Caraga OIC Lorene Sia-Catedral ang mahalagang papel ng PMO Agusan sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa sa ilalim ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni PM Padilla ang taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong makapaglingkod sa RDRRMC at sa matibay na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya sa pagpapalakas ng disaster preparedness sa rehiyon.
Ibinahagi rin niya ang kanyang nalalapit na pagreretiro sa Mayo 31, 2025, at pinasalamatan ang RDRRMC sa pagkakataong maging bahagi ng kanilang mga inisyatiba. Tiniyak niya na mananatiling katuwang ang PPA sa pagpapalakas ng disaster resilience at pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan sa rehiyon.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports