Bilang paghahanda sa nalalapit na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), isinagawa noong Oktubre 23, 2025, sa PMO Multipurpose Hall ang Coordination Meeting at Orientation para sa CY 2025 4th Quarter NSED.
Dumalo sa aktibidad ang Incident Management Team (IMT) ng PPA PMO Agusan, mga kinatawan mula sa Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), at LGU Nasipit MDRRMO sa pangunguna ni Mr. Jeriel Kenneth B. Cathedral, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa tamang paghahanda, koordinasyon, at pagtugon sa oras ng lindol.
Layunin ng pagpupulong na ihanda ang Port of Nasipit, na itinakdang ceremonial site ng 4th Quarter NSED 2025. Tiniyak ng PMO Agusan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang maisagawa ang drill nang ligtas, maayos, at epektibo para sa kaligtasan ng mga PMO personnel, port users, at komunidad sa paligid ng pantalan.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports















