Matagumpay na naisagawa ng PPA PMO Agusan ang isang health awareness seminar na may temang โ€œBreath at Risk: Tobacco Smoking and Lung Healthโ€ noong Nobyembre 27, 2025, sa PMO Multipurpose Hall, Nasipit Port. Layunin ng aktibidad na lalo pang palawakin ang kaalaman ng mga empleyado hinggil sa masamang epekto ng paninigarilyo at mga hakbang upang maiwasan ang mga panganib na dulot nito. 40 piling kawani ng PMO ang dumalo at aktibong nakilahok sa talakayan at open forum.

Ang panauhing tagapagsalita na si Dr. John Yves D. Esteves, General Practitioner, ay nagbahagi ng updated statistics, case studies, at mahahalagang rekomendasyong medikal hinggil sa paninigarilyo, exposure sa secondhand smoke, at ang patuloy na pagdami ng gumagamit ng e-cigarettes o vaping sa bansa. Kanyang tinalakay ang epekto ng nicotine addiction sa utak at ang ibaโ€™t ibang sakit na dulot ng paninigarilyo gaya ng lung cancer, Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), pneumothorax, sakit sa puso, stroke, cancer, at iba pang komplikasyon.

Nagbigay rin si Dr. Esteves ng mga epektibong pamamaraan para matigil ang paninigarilyo, kabilang ang Cognitive Behavioral Therapy (CBT), behavioral substitution, 4Ds technique (Deep breaths, Drink water, Do something else, Delay), paggamit ng nicotine replacement therapy, at ibaโ€™t ibang social at environmental strategies tulad ng support groups at counseling.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng PMO CARES Committee bilang bahagi ng kanilang mga inisyatiba upang higit pang paigtingin ang workplace wellness at isulong ang kalusugan at kapakanan ng mga empleyado ng PMO Agusan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports