Muling namahagi ng Ready-to-Eat Food (RTEF) packs ang PPA PMO Agusan, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga, at lokal na pamahalaan ng Nasipit sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa 29 na stranded passengers na pansamantalang nananalagi sa Barangay Talisay Gym ngayong Lunes ika-10 ng Nobyembre 2025.

Patuloy ang PPA-PMO Agusan sa pagbibigay ng kinakailangang tulong at pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya upang matiyak ang kaligtasan, kaginhawaan, at maagap na pagbabalik-biyahe ng mga pasahero.

Pinapaalalahanan din ng PPA ang publiko na makipag-ugnayan nang direkta sa kani-kanilang shipping lines para sa karagdagang impormasyon at abiso hinggil sa iskedyul ng mga biyahe.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports