Bilang pagkilala sa kahalagahan ng tungkulin ng mga kalalakihan sa pagpapalaganap ng Gender Equality at kasabay sa pagdiriwang ng National Women’s Month, ang PPA PMO Agusan ay nagsagawa ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) Orientation ngayong araw, March 21, 2024.
Ang oryentasyon ay naglalayong mas mapalawak ang kaalaman ng mga kalalakihan ukol sa mga karahasan na nangyayari sa ating lipunan lalo na sa ating mga kabataan, kababaihan at gayun pa man sa kapwa kalalakihan. Sa pagtalakay ng Resource Speaker na si Mr. Edson Alijo, Information Officer ng Commission on Human Rights (CHR), kanyang binigyang diin ang mga bagay na dapat gawin upang mapigilan ang ibaโt ibang uri ng karahasan sa loob ng Pantalan at sa komunidad.
Katuwang ang mga kalalakihan ng PPA PMO Agusan ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng kaalaman upang mawakasan ang anumang uri ng karahasan. Dahil dito, nag organisa ang ahensya ng PMO MOVE na naglalayong suportahan ang PMO Gender and Development Focal Point System (GADFPS) sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga pagpupulong na tatalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng ahensya kaugnay sa Violence Against Women (VAW) at aktibong pakikilahok sa mga aktibidad kasama ang ibaโt ibang ahensya na magpapalawak ng kaugnayan at suporta sa adbokasiya.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
Twitter: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports