Sa pagtatapos ng NWMC, masayang ipinagdiwang at ginunita ng PMO Agusan ang tagumpay at kontribusyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng pagdaos ng culmination program kasabay ang panunumpa ng PMO Men Opposed to VAW Everywhere (MOVE) Officers, kahapon, March 26, 2024, sa PMO Multipurpose Hall.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isang video presentation ng mga programang nilahokan at sinagawa ng PMO para sa buong buwan na selebrasyon. Kasunod nito, nagbahagi ng mensahe si Engr. Lexter-Lou V. Sevilla, GADFPS Vice Chairperson at miyembro ng PMO MOVE na kung saan kanyang inihayag na kaisa ang mga kalalakihan sa pagpapalaganap ng adbokasiya na maprotektahan ang mga kababaihan. Ang PMO MOVE na kamakailan lang ay nagkaroon din ng orientation sa lahat ng mga lalaking empleyado ng PMO na nagbigay daan sa paghirang ng mga Officers.

Bahagi rin ng pagdiriwang ay ang espesyal na โ€œSerbisyo Para Kay Juanaโ€ na kung saan nagkaroon ng libreng breast examination, masahe at nail care services na ang layon ay bigyang halaga ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan. Kasabay din nito ang pamamahagi ng travel kits sa mga babaeng pasahero ng mga pantalan ng Nasipit, Masao at Butuan.

Sa kabuuan, nananatiling determinado ang PMO sa pagsuporta at pagpapalakas ng kamalayan ng bawat empleyado at Port Community sa karapatan ng mga kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian. Kaisa ang PMO ng buong mundo na layon ang katuparan ng Women and Everyone (WE) can be EquALL.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

Twitter: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

Tiktok: @ph_ports